Bumaba sa 6.8% ang inflation rate sa buong bansa noong Mayo 2026, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Hunyo 5.
Mas mababa ito kung ikukumpara sa 7.2% na inflation rate noong Abril.
Dahil sa talang ito, pumalo na sa 4.5% ang average inflation rate sa unang limang buwan ng 2026.
Anang ahensya, ilan lamang sa mga salik na nakaapekto sa “downtrend” ng implasyon noong buwan ng Mayo ay ang mas mabagal na “annual increase” pagdating sa transport index sa bansa.
Dagdag pa nila, isa rin sa mga dahilan ay ang pagbagal ng “growth rates” sa indices ng pagkain at ilang non-alcoholic beverages.
Matatandaang inilahad kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaaring pumalo sa 7.1% hanggang 7.9% ang headline inflation sa bansa para sa buwan ng Mayo.
MAKI-BALITA: May inflation, maaaring pumalo sa 7.1%-7.9%; mas mataas sa prediksyong 5.6%-6.4% noong Abril!-Balita