Posibleng sumampa sa 7.1% hanggang 7.9% ang headline inflation ng bansa para sa buwan ng Mayo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Mas mataas ito kumpara sa prediksyon ng central bank noong Abril, kung saan naitala nila ang month-ahead inflation forecast na 5.6% hanggang 6.4% sa naturang buwan.
MAKI-BALITA: Month-ahead inflation forecast ng BSP para sa Abril, nasa 5.6% hanggang 6.4%!-Balita
Batay sa pahayag ng BSP noong Sabado, Mayo 30, itinuturong dahilan ng numerong ito ay ang pagtaas ng presyo ng food commodities at ang patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.
“The BSP projects May 2026 inflation to settle within the range of 7.1 to 7.9 percent. Upside price pressures were driven by rising prices for rice, vegetables, and meat, as well as the depreciation of the peso,” saad ng BSP.
Gayunpaman, may ilang mga salik pa ring nakaapekto upang mapahina o mapakalma ang implasyon.
“The recent rollbacks in domestic fuel prices, lower prices for fish, and slightly lower electricity rates partially offset the prevailing upside price pressures,” anang BSP.
Matatandaang isiniwalat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kamakailan na umabot sa 7.2% ang implasyon sa Pilipinas noong nakaraang buwan—mas mataas sa forecast na 5.6% hanggang 6.4% ng BSP para sa Abril 2026.
MAKI-BALITA: Inflation rate, tumaas sa 7.2% noong Abril 2026!-Balita