June 05, 2026

Home BALITA

AJ Kalinga Foundation, umalma sa paratang vs. Fr. Flavie

AJ Kalinga Foundation, umalma sa paratang vs. Fr. Flavie
Photo Courtesy: AJ Kalinga Foundation (FB), Mark Belmores/MB

Dumepensa ang Arnold Janssen (AJ) Kalinga Foundation para kay Ramon Magsaysay Awardee Fr. Flavie Villanueva na inakusahan ng 18 dating sundalo na nakatanggap umano ng male-maletang pera mula sa dating kongresistang si Zaldy Co.

Sa latest Facebook post ng AJ Kalinga Foundation noong Huwebes, Hunyo 4, sinabi nilang hindi umano totoo ang ibinabatong bintang laban sa pari.

“We categorically deny these allegations. They are false. The witness publicly attributed to Fr. Villanueva acts and transactions that never occurred,” saad ng AJ Kailnga Foundation.

Ayon sa kanila, hindi umano nagtutugma ang salaysay ng mga nagpakilalang testigo na humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Hunyo 4.

Anang Foundation, “No specific church was identified, and no SVD parish, church, or ministry center exists along Mindanao Avenue, Quezon City that matches the witness’s description.”

Halos 1,000 'afam,' hopya na makakuha ng asylum sa Pinas!—DOJ

“The allegation involving the supposed delivery of a suitcase at ‘33 Clemente’ is unsupported by any evidence and is nothing more than a fabricated accusation,” dugtong pa nila.

Kaya naman kinokondena ng AJ Kalinga Foundation ang pagsasahimpapawid ng mga seryosong akusasyon na nakatuntong sa ebidensya at puno ng kontradiksyon.

Sa kasalukuyan, nagsagawa na umano sila ng legal na aksyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng paninira laban kay Fr. Flavie.