PANTABANGAN, Nueva Ecija - Dahil hindi na maawat na masamang bisyo at laging pakikipagtalo sa kanyang misis, isang 44-anyos drug surrenderer ang nagbigti sa puno ng mangga, malapit sa pinagtatrabahuhan niyang farm sa Purok 6, Barangay Cadaclan sa bayang ito, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Senior Insp. Roderick N. Corpuz, hepe ng Pantabangan Police, ang nagpatiwakal na si Lopito Evangelista y Gatmaitan, magsasaka, miyembro ng Bantay-Bayan at residente sa lugar.

Nauna rito, nabatid na madalas makipagtalo si Evangelista sa misis nito dahil sa patuloy na pagdodroga ng una kahit pa sumuko na ito sa awtoridad. (Light A. Nolasco)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder