COLUMBUS (AFP) – Humakot si Hillary Clinton ng mahigit 10,000 tagasuporta sa rally sa Ohio State University nitong Lunes, habang nangangapa si Donald Trump sa pagsuko ng mga bigating Republican sa kanya.

Inasar ni Clinton si Trump at kinutya ang television career nito.

‘’On the day that I was in the Situation Room watching the raid that brought Osama bin Laden to justice, he was hosting ‘Celebrity Apprentice,’’’ ani Clinton, matapos magharap ang dalawang kandidato sa kanilang ikalawang presidential debate na pinanood ng 66.5 milyong mamamayan. ‘’So if you want to talk about we’ve been doing the last 30 years: Bring. It. On,’’ dagdag niya.

Naparalisa ang kandidatura ni Trump matapos lumabas noong Biyernes ang video na kuha noong 2005 kung saan sinabi niya na maaari niyang hipuan ang sinumang babae at walang maghahabla dahil bilang isang celebrity, ‘’you can do anything.’’

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline