CINCINNATI (AP) – Pumanaw nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa edad na 60 si boxing legend Aaron Pryor, tanyag na junior welterweight fighter sa hindi malilimot na duwelo kay Alexis Arguello.
Sa opisyal na pahayag ng pamilya, namatay si Pryor sa kanyang tahanan sa Cincinnati sa piling ng pamilya bunsod ng matagal nang karamdaman sa puso.
Kilala sa bansag na “The Hawk,” isang charismatic fighter si Pryor na minahal ng crowd dahil sa kanyang istilo, gayundin sa hindi malilimutang duwelo kay Nicaraguan boxing icon na si Arguello noong dekada 80.
Ngunit, naging kontrobersyal din si Pryor dahil sa isyu ng droga.
“He was very unorthodox and could throw punches from all kinds of angles with great hand speed,” pahayag ni dating Associated Press boxing writer Ed Schuyler Jr.
“He was a great fighter, it’s too bad he didn’t have more fights.”
Ipinahayag ng kanyang maybahay na si Frankie Pryor na madalas ipaalala sa kanya ng kabiyak ang masamang idinulot sa kanyang buhay ng droga.
“Aaron was known around the world as ‘The Hawk’ and delighted millions of fans with his aggressive and crowd-pleasing boxing style,” pahayag ni Mrs. Pryor.
“But to our family he was a beloved husband, father, grandfather, brother, uncle and friend,” aniya.
Tangan ni Pryor ang matikas na 31-0 karta nang harapin si Arguello sa 140-pound title clash noong Nobyembre 12, 1982 sa Orange Bowl sa Miami.
Kilala si Arguello na pound-for-pound fighter nang kanilang kapanahunan. Subalit hindi ito alinta ni Pryor. Sa kanilang ikalawang laban, nagapi ni Pryor si Arguello sa laban na tinaguriang ‘Fight of the Decade’.