Haharapin ni Pinoy fighter Raymond Tabugon si Juan Francisco Estrada sa WBC super flyweight dhowdown Linggo ng gabi sa Penasco, Mexico.

Matatandaang binitiwan ng Mexican champion ang World Boxing Organization at World Boxing Association flyweight title nitong Setyembre matapos magtamo ng injury sa kanang kamay.

Sa isinagawang weigh-in, tumimbang si Estrada sa bigat na 116-lbs. habang umabot si Tabugon sa 116.5-lbs.

Iginiit ni Estrada (33-2, 24 KOs) na handa na siyang makihamok at inaasahan ang magaan na laban kontra kay Tabugon (18-5-1, 8 KOs) sa kanilang 10-rounder duel sa pangangasiwa ng Zanfer Promotions.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Tabugon and his team arrived ahead of his fight with Estrada,” pahayag ni promoter Jean Claude Manangquil sa FightNews.com. “Tabugon’s preparation is OK. And he is good to go for October 8. I expect Tabugon to fight hard like he always does. This is a big opportunity for him,” aniya.

Huling lumaban at nagwagi si Tabugon kontra Renante Suacasa via TKO sa ika-anim na round para sa PBF super flyweight title noong Marso 8 sa T’boli, South Cotabato.