Kapwa naitala nina dating Philippine lightweight champion Jay “Rapido” Solmiano at ex-world rated Rey Megrino ang impresibong panalo sa fight card nitong Linggo sa Hong Kong.

Isang kaliwang uppercut sa bodega ang kinailangan ni Solmiano para mapatulog si Thai knockout artist Chaloemporn Sawatsuk eksaktong 2:18 sa unang round ng kanilang 8-rounder fight.

“Solmiano used a hard left uppercut to the abdomen to knockout Thai Chaloemporn Sawatsuk at 2:18 of the opening round. Sawatsuk also complained of severe pain on his left shoulder when he got up, a possible dislocation when he fell to the canvas,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. “Solmiano is a former Philippine lightweight and WBO Asia-Pacific champion and is now based in Hong Kong. “

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Napatulog naman ni Megrino sa pamamagitan ng isang kanang bigwas ang karibal niyang si Indonesian Jason Butar Butar sa 5th round ng kanilang laban.

Halos patas ang palitan ng suntok nina Megrino at Butar Butar pero eksaktong 52 segundo sa 5th round nang tamaan ng kanan ng Pinoy sa panga ang Indonesia na hindi na nakabangon sa canvas.

Nabigo naman ang isa pang Pinoy na si dating world rated Jerope Mercado na napatigil sa 2nd round ng walang talong Australian na si Paul Fleming. (Gilbert Espena)