CAMILING, Tarlac – Isang hindi nakilalang babae na pinaniniwalaang biktima ng pagkalunod ang natagpuan sa Dacol River sa Barangay Cacamilingan Norte sa bayang ito, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay SPO1 Marcial Espiritu, halos naaagnas na ang natagpuang bangkay na nakasuot ng puting T-shirt, maong pants, edad 40-45, at may taas na 5’2”.

Nakalagak ngayon ang bangkay ng babae sa Engkantadja Funeral Service sa Camiling, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog