BILIB na bilib si Boy Abunda sa anak-anakan niyang si Amy Perez lalo na pagdating sa pag-aayos ng schedules bilang actress/TV/radio host at pagiging ina at asawa.

Ayon kay Kuya Boy, napakasipag ni Amy at never nagreklamo ang aktres at TV host sa ibinibigay na trabaho. Araw-araw, tuwing weekday, dalawang beses napapanood si Amy sa TV.

“Meron siyang Umagang Kayganda na dapat bago mag-alas singko, eh, nasa studio na siya. Matatapos ‘yun ng lampas sa alas otso, then meron pa siyang It’s Showtime sa tanghali,” kuwento ng manager ni Amy.

Ang nakakabilib, pagkatapos ng Umagang Kayganda ay nagagawa pa raw ng magaling na female TV host na sunduin naman ang kanyang anak sa pinapasukang eskuwelahan. Ang asawa naman daw ni Amy ang naghahatid ng anak sa pagpasok.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Siyempre, kailangan din namang maghanda si Amy sa kanyang host job sa It’s Showtime kasama sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford at si Anne Curtis.

Aabutin na ng tatlong oras si Amy sa It’s Showtime. Pero bukod pa riyan, may programa pa si Tiyang Amy sa DZMM na araw-araw rin!

Ayon kay Kuya Boy, nagagawa ni Amy ang pang-superwoman na schedule na ito dahil mahal na mahal nito ang kanyang trabaho. (Jimi Escala)