Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa mga operatiba ng Joint Task Force Basilan nitong Huwebes ng hapon.

Dakong 3:00 ng hapon nitong Huwebes nang kusang sumuko sa military si Murajin Salahudin, alyas “Mimie”, miyembro ng grupong pinamumunuan nina Furuji Indama at Radzmil Janatul ng Abu Sayyaf.

Sinabi ni Army Major Filemon Tan, Jr., tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), na sumuko si Salahudin sa mga tauhan ng 64th Infantry Battalion sa Barangay Tumahubong, Sumisip, Basilan.

Ayon kay Tan, isinuko rin ni Salahudin sa militar ang isang Garand rifle na may mga bala.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakapiit ngayon si Salahudin sa 64th IB sa Sumisip. (Francis T. Wakefield)