NAKAKATUWA ang magka-love team na sina Liza Soberano at Enrique Gil dahil pareho silang back to school.

Nag-enrol sila sa Southville International School Affliliated with Foreign Universities (SISFU) na nasa Las Piñas.

Naunang nag-enrol si Enrique ng business course at ang kanyang sabi sa isang interview, matagal na niyang gustong gawin ito at pinag-usapan nila ng kanyang ina.

Sumunod na nag-enrol si Liza at pareho silang winelcome ng SISFU family at SISFU Student Council. Kahit online ang sistema ng kanilang pag-aaral, mahirap pa rin sa kanila ang schedule sa rami ng projects at commitments nila.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Very proud ang fans ng dalawa na kahit busy, nagdesisyon pa rin silang balikan ang pag-aaral at sana nga, matapos nila ang kani-kanyang kurso.

Ang hindi lang maganda, pinagkumpara na naman ang eskuwelahan nina Liza at Kathryn. Pati tuition fee, isyu sa fans.

Mas mahal daw ang tuition sa Enderun, paaralang pinapasukan naman ni Kathryn Bernardo kesa SISFU. (NITZ MIRALLES)