Patay ang isang negosyante matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa tulay sa Barangay Calaba sa Bangued, Abra, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng Bangued Municipal Police ang biktimang si Esperidion Alcantara, Jr., 30, negosyante, may asawa ng Bgy. Mudeng, La Paz, Abra.

Ayon sa imbestigasyon, kasasakay lang ng biktima sa kanyang motorsiklo nang pagbabarilin siya ng dalawang hindi nakilalang suspek.

Hinihinalang may kinalaman sa droga ang pananambang. (Fer Taboy)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder