Iniulat ang pagdakip sa nakatatandang kapatid ni Arlene Briones-Alcala, asawa ni Sajid Alcala, sa isang anti-drug operation sa Lucena City, Quezon kahapon, kasabay ng pagsuko sa mga awtoridad ng umano’y pangunahing kasabwat ng napatay na drug lord na si Melvin “Boyet” Odicta Sr. sa Iloilo City.

Sinabi ni Quezon Police Provincial Office Director Senior Supt. Antonio C. Yarra na nasakote kahapon sa Barangay Ibabang Iyam sa Lucena si Jeffrey Briones, 40, kasama sina Carmelita Butial, 36; at Emer Sagarino, 55, pawang taga-Lucena.

Si Briones ay bayaw ni Sajid Alcala, na anak ni Cerilo “Athel” J. Alcala, na kapwa sumuko sa pulisya. Si Athel ay kapatid nina dating Agriculture Secretary Proceso Alcala at incumbent Quezon Rep. Vicente Alcala.

Ayon kay Yarra, nakumpiska sa mga ito ang 57.35 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P106,097.50.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Samantala, sumuko na kahapon sa pulisya si Jesus “Jing Jing” Espinosa, Jr., kagawad ng Bgy. Monica-Blumentritt, makaraang makatakas sa raid ng Regional Anti-Illegal Drugs Task Group ng Police Regional Office (PRO)-6 nitong Linggo.

Nasamsam sa raid ang sangkatutak na matataas na kalibre ng baril at hinihinalang shabu. (Danny Estacio at Tara Yap)