Napatay ng pulisya ang ikatlong high-value target sa Iloilo makaraan umanong manlaban sa buy-bust operation sa Barangay Rizal Estanzuela sa Iloilo City, kahapon.

Nagtamo si Roberto “Toto” Supremo, umano’y ikatlong drug lord sa Iloilo City, ng tama ng bala sa kanang balikat at sa noo na tumagos sa kanan niyang tainga.

Ayon sa report ni Chief Insp. Hilarion Roga, hepe ng Scene of the Crime Operations (SOCO), maraming nakuhang baril sa bahay ni Supremo, kabilang ang isang granada at mga sachet ng shabu.

Kinumpirma naman ng Iloilo City Police Office (ICPO) na kasama sa drug watchlist si Supremo, kahilera nina Melvin Odicta at Jesus “Jing-Jing” Espinosa, kagawad ng Bgy. Monica-Blumentritt sa Iloilo City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Bukod sa droga, sangkot din umano ang suspek sa illegal gambling sa lungsod. (Fer Taboy)