Ni NITZ MIRALLES

pia wurtzbachTUNGKOL kaya sa pagkakakansela ng Miss Universe sa Pilipinas ang message nina DOT Undersecretary Kat de Castro at Jonas Gaffud?

Iyon kaagad ang inisip ng mga nakabasa sa message ni Usec. Kat na, “Naiyak si Pia. Naiyak ako. Sana nandito ka Jonas para 3 na tayong iiyak.”

Sumagot si Jonas ng, “Waaaaa!!! Malamang kung andyan ako umiyak din ako.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang tinutukoy na Pia ay ang reigning na si Miss Universe Pia Wurtzbach at si Jonas ang manager nito at head ng Aces & Queens na nagti-train ng beauty queens.

May netizen na nagtanong kay Usec. Kat kung hindi na ba matutuloy dito sa Pilipinas ang gaganapin Miss Universer 2017, pero hindi niya ito sinagot.

Siguradong hindi lang ang nagtanong ang interesadong malaman kung totoong kanselado na ang Miss Universe sa ating bansa at kung bakit.