HANDA nang magtanghal si Lady Gaga sa Super Bowl!

Inihayag ng Perfect Illusion singer ang kanyang gig sa 2017 halftime show ng laro sa Twitter noong Huwebes, sa post niyang, “It’s not an illusion. The rumors are true. This year the SUPER BOWL goes GAGA! @nfl @FOXTV @pepsi #PERFECTILLUSION.”#GAGASUPERBOWL.”

Noong Miyerkules, sinabi ng source sa ET na magtatanghal ang Mother Monster, isang taon makaraan ang halos hindi kapani-paniwalang national anthem performance bago ang Super Bowl 50.

Kinumpirma rin ng NFL ang balita, sa pag-tweet ng video montage ng gametime footage na kasama ang latest single ni Gaga, na may caption, “Looks like we aren’t the only ones excited about @LadyGaga performing at the #SB51 #PepsiHalftime show…”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagamat matagal pa ang paghihintay bago maganap ang Super Bowl LI na ipapalabas sa Fox sa Pebrero 5, 2017, maaari munang balikan ang show-stopping performance ni Gaga nitong unang bahagi ng taon. (ET Online)