SINGAPORE – Hataw sina Joseph Yeo at Kiefer Ravena sa krusyal na sandali para sandigan ang Mighty Sports sa makapigil-hiningang 72-70 panalo kontra host Singapore Slingers nitong Sabado ng gabi sa semifinals ng Merlion Cup sa OCBC Arena.

Naisalpak ni Ravena ang reverse layup para sa 69-68 bentahe may 1:15 sa laro, bago nasundan ng krusyal na three-pointer ni Yeo tungo sa ligtas na katayuan sa huling isang minuto.

Bunsod ng panalo, naisaayos ng Mighty Sports ang championship duel kontra Shanghai Sharks, koponan na pagmamay-ari ni dating NBA star Yao Ming.

Nanguna sa Mighty Sports si import Dewarick Spencer na kumubra ng 29 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakuha ng Pinoy ang double digit na bentahe sa kaaghan ng third period mula sa matikas na laro ni Spencer, tinanghal na MVP sa nakalipas na Jones Cup sa Taiwan.