Mga Laro sa Miyerkules

(MOA Arena)

8 n.u. -- ADMU vs UP (Women)

10 n.u. -- UE vs DLSU (Women)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ginapi ng De La Salle at University of the East ang kani-kanilang karibal para manatiling matatag ang kampanya na makasabay sa defending champion National University sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Moa Arena.

Nagsalansan sina Camille Claro at Jamie Roxas nang pinagsamang 26 puntos para sandigan ang Lady Archers kontra Adamson University, 69-61.

Hataw si Love Sto. Domingo sa naiskor na 18 puntos at siyam na rebound, habang kumana si Eunique Chan ng 12 puntos at anim na board para gabayan ang Lady Warriors kontra Ateneo, 60-50, para sa ikaapat na sunod na panalo.

Magkasama sa ikalawang puwesto ang De La Salle at UE tangan ang 4-1 karta.

Nanguna sina Hazelle Yam at Jollina Go na may tig-13 puntos para sa Lady Eagles.

Tangan ng Adamson University at Ateneo ang 2-3 karta.