Nanawagan si Senator Bam Aquino sa mga kinauukulan na ayusin na ang sistema sa mga pantalan sa bansa upang maiwasan ang pagsisikipan ngayong Pasko sa inaasahang pagdagsa ng mga padala ng overseas Filipino workers (OFWs) para sa kanilang mahal sa buhay.

“Maraming pamilya ang nag-aabang ng mga padala mula sa minamahal nilang OFWs ngayong panahon ng Kapaskuhan. Sayang naman kung mabubulok lang ito sa ating mga pantalan kapag may congestion. Kailangan na natin itong paghandaan ngayon pa lang,” ani Aquino.

Nauna rito ay nagbabala ang isang opisyal ng Department of Transportation na maaaring maulit ang port congestion sa pagdagsa ng containers mula Setyembre hanggang Disyembre.

“If you remember, two years ago the port congestion was a big headache for Filipinos in Metro Manila – delivery of goods was delayed, cargo trucks caused traffic, and balikbayan boxes remained stranded in the port. We must guard against another port congestion,” paalala ni Aquino. (Leonel M. Abasola)

'OGD!' Ogie Diaz, magkakaroon ng bagong show sa TV5