MALACCA, MALAYSIA — Sinimulan ng Perlas Pilipinas ang kampanya sa SEABA Women’s Championship sa dominanteng 69-43 panalo kontra Singapore Martes ng gabi sa Bukit Serindit Indoor Stadium.

Hataw ang Pinay sa 21-4 run sa huling apat na minuto ng second period para hilahin ang laro sa double digits na bentahe tungo sa 46-27 kalamangan sa halftime break.

Matikas na depensa ang inilatag ng Perlas na nagresulta sa 14 na turnover ng Singapore at naikuha naman nila sa 16 bonus point.

Hataw si Chak Cabinbin, isa sa bagitong player sa Gilas at perennial MVP sa WNCAA, sa naiskor na game-high 16 puntos, tampok ang 13 sa second period, habang kumana si Camill Sambile ng 10 puntos.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Nag-ambag si Allana Lim ng siyam na puntos, habang tumipa si Cindy Resultay ng walong rebound para sa Perlas.

“We were a little bit sluggish. We came here 1:30 p.m. and it was like siesta time,” sambit ni Perlas head coach Patrick Aquino.

“But I’ve told the players, ‘You’ve got to work hard from start to finish and you can’t have that kind of start against teams like Malaysia, Indonesia and Thailand.’”

Sunod na haharapin ng Filipinas ang mahinang Laos ganap na 6:00 ng gabi ng Miyerkules.