Tatangkain ni dating interim WBO bantamweight champion Rolando Magbanua na magtala ng panalo sa Europe sa paghamon sa walang talong si PABA lightweight champion Roman Andreev para sa bakanteng WBO Inter-Continental lightweight ngayon sa Manezh, Vladikavkaz, Russia.

Huling idinepensa ni Andreev ang kanyang PABA lightweight title kay dating Philippine 135 pounds champion Rey Labao na tinalo niya sa 12-round unanimous decision noong Nobyembre 8, 2014 sa Klimovsk, Russia bagamat napabagsak siya ng Pinoy boxer sa 1st round.

Mailap ang panalo sa puntos ng Pinoy boxer sa Russia kaya kailangan ni Magbanua na mapatulog si Andreev para magwagi at maiuwi ang WBO regional title at world ranking.

May karta si Magbanua na 26-4-0 na may 18 pagwawagi sa knockout samantalang may perpektong rekord si Andreev na 17 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockout. (Gilbert Espeña)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA