ZAMBOANGA CITY – Bumangga ang Liberian registry tanker na M/T Tasco sa barko ng Philippine Navy nitong Lunes ng gabi habang nakadaong ang huli malapit sa Naval Station Romulo Spaldon sa siyudad na ito.

Ayon kay Naval Forces Western Mindanao Rear Admiral Jorge Amba, dakong 7:47 ng gabi nitong Lunes nang mabangga ng M/T Tasco ang BRP Tarlac (LD 601) habang nakadaong ang huli may 1,000 yarda sa katimugan ng Ensign Majini Pier sa Naval Station Romulo Espaldon.

Sinabi ni Amba na minamaniobra ang tanker ng kapitang si Dominador Tanguas, Jr. at kinalululanan ng 21 Pinoy at isang Ukranian na tripulante patungo sa Bintulo, Malaysia nang mangyari ang aksidente.

Walang nasaktan sa insidente, ngunit nagtamo ng bahagyang pinsala ang BRP Tarlac, ayon kay Amba.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Kagagaling lang ng BRP Tarlac sa Sulu matapos maghatid ng supplies sa mga sundalong tumutugis sa Abu Sayyaf Group sa lalawigan.

Tiniyak ni Amba na nag-iimbestiga na ang Philippine Coast Guard sa insidente. (Nonoy E. Lacson)