RIVIERA MAYA, Mexico (AP) — Kapwa tumipa ng 5-under 67 sina Hye Jin Choi at Min Ji Park nitong Sabado (Linggo sa Manila) para makumpleto ang dominasyon at record-tying 21 stroke na panalo ng South Korea sa Women’s World Amateur Team Championships.

Nakopo ng South Korea ang pamosong Espirito Santo Trophy sa ikaapat na pagkakataon kabilang ang tagumpay noong 1996, 2010 at 2012.

“The key is the team play,” pahayag ni captain Sang-Won Ko.

“We have been interviewed over the last few days and the players have been so focused on team play. That makes everyone tight and makes for good results.”

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Nakamit din ng 17-anyos na si Choi ang individual title sa natipang 14- under, dalawang stroke ang bentahe kay Lyng Thomsen ng Denmark at limang puntos ang layo sa kababayan at 16-anyos na si Park.

“We really did our best and we performed really well,” sambit ni Choi, low amateur sa nakalipas na US Women’s Open. “I am very happy now.”

Pumangalawa ang Switzerland sa iskor na 8-under, habang ikatlo ang Ireland sa 7-under. Tumapos ang liyamadong United States sa ikaanim na puwesto.

Naitala ng United States ang 21 stroke win noong 1998, habang ang nasalansan ng South Korea na 29-under 547 total ay isang stroke ang layo sa naitalang record na 546 noong 2010.