Kapwa nagtala ng impresibong simula ang defending two-time champion National University at ang De La Salle-Zobel sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 high school volleyball tournament girls division sa Adamson University gym sa Manila.

Tinalo ng Junior Lady Bullpups ang event host Adamson Junior Lady Falcons, 25-10, 25-16, 25-21, habang pinasadsad  ng Junior Lady Spikers ang UP Integrated School, 25-3, 25-23, 25-8.

Dahil sa panalo, kapwa umangat ang NU at De La Salle-Zobel sa malinis na barahang  3-0.

Pumangalawa ang season host University of Santo Tomas na may barahang 2-0.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Sa iba pang laro, naungusan ng  Far Eastern University-Diliman ang University of the East, 22-25, 23-25, 25-21, 25-22, 15-8, para sa una nilang panalo matapos ang tatlong laro.

Sanhi ng kabiguan, nanatiling bokya ang Baby Falcons at Junior Lady Warriors matapos ang dalawang laro gayundin ang Junior Lady Maroons na bumagsak sa ikatlong dikit na kabiguan. - Marivic Awitan