Hindi obligado ang public school teachers na magsilbi sa 2017 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections at sa mga susunod pang halalan sa bansa.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista, ito ay kasunod ng paglalagda sa Republic Act 10756 o ang Election Service Reform Act (ESRA) noong Abril.

Alinsunod sa ESRA, pinapayagan ang Comelec na kumuha ng private school teachers, empleyado ng pambansang pamahalaan, maliban sa militar; mga miyembro ng Comelec-accredited citizens’ arms, at sinumang botante na may integridad, kakayahan at walang political affiliations, bilang election officers. Tataasan din ang compensation package sa election workers. (Mary Ann Santiago)

Events

Sa pagtakbong senador ni Willie: Wil To Win, magpapatuloy pa ba sa ere?