MEXICO CITY (AFP) - Libu-libong katao ang nagprotesta sa Mexico City noong Huwewbes, at hiniling ang pagbibitiw ni President Enrique Pena Nieto dahil sa paghawak nito sa karahasan sa droga, katiwalian, at pakikipapulong kay Donald Trump.

Bitbit ng mga demonstrador ang mga karatula na nagsasabing ‘’Pena Nieto INEPT, RESIGN for the good of Mexico!’’ at nagwaygayway ng mga pinaitim na bandila ng Mexico sa bisperas ng Independence Day ng bansa.

Nagmartsa sila sa buong kabisera patungo Zocalo square,kung saan tradisyunal na tumatayo ang president sa balkonahe ng National Palace sa gabi bago ang kapistahan upang ulitin ang ‘’grito’’, o sigaw ng kalayaan, na unang nasaksihan noong 1810.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na