TEHRAN, Iran – Balik sa sahig ang Gilas Pilipinas 5.0 matapos mapadapa ng Jordan, 119-105, Miyerkules ng gabi sa FIBA Asia Challenge dito.

Nanguna si Darquavis Tucker sa Jordan sa naiskor na 30 puntos para ipalasap sa Pinoy ang ikaapat na kabiguan sa limang laro.

Naitarak ng Jordan ang 65-43 bentahe sa halftime na hindi na nagawang habulin ng Gilas.

Nag-ambag si Mohammad Hussein sa Jordan sa natipang 26 puntos at 13 rebound. Sa kabila ng malaking bentahe, nagawa pa nitong bigyan ng hard-fouled si Ed Daquioag may 0.9 segundo sa laro.

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

Panandaliang naantala ang laro nang palagan ng Pinoy ang Jordanian.

Huling nakalapit ang Gilas sa 72-59 sa kalagitnaan ng third period, subalit may sagot ang karibal sa bawat scoring run ng Pinoy.

Nanguna sa Gilas si Von Pessumal sa nakubrang 30 puntos, tampok ang siyam na three-pointer.

Nalaglag ang Gilas sa ilalim ng classification round tangan ang 1-4 karta.