Limang katao, kabilang ang isang barangay chairman, ang napatay habang isa ang malubhang nasugatan marakaang tambangan sila sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi sa report na pulitika ang tinitingnang motibo sa pananambang at pagpatay kina Marianita Pitogo, 34, chairwoman ng Barangay Lisson Valley; Renato Malandig, 37; Rosalie Enodio; Rowell Hindoquio, 35; at Rosalia Cagas, 28, sa Sitio Manipis sa hangganan ng Lisson Valley at Lourdes sa Pagadian.

Nagpapagaling naman sa ospital ang isa pang biktimang si Susan Tawan, 28 anyos. Batay sa ulat kay Supt. Michael Palermo, hepe ng Pagadian City Police, nangyari ang ambush dakong 7:45 ng umaga nitong Martes. (Fer Taboy)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar