Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

2 n.h. -- San Sebastian vs EAC

4 n.h. -- Mapua vs Benilde

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Naunsiyami ang paghahangad ng University of Perpetual Help na makamit ang ikatlong semifinal berth matapos silatin ng sibak ng Lyceum of the Philippines,64-61 kahapon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 92 seniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Nagposte si Reymar Caduyac ng 15 puntos habang nag ambag si Mike Nzeusseu ng 11 puntos, 15 rebound, tatlong assist at limang block upang pangunahan ang nasabing panalo ng Pirates.

Nauwi sa wala ang 21 puntos, 12 rebound at isang assist Bright Akhuettie dahil bigo siyang maihatid ang Altas sa target na ikatlong Final Four berth.

Bagama’t bumagsak sa 12-5, hindi naman nabawasan ang tsansa nilang umusad ng susunod na round dahil kailangan na lamang nilang maipanalo ang isa sa nalalabing dalawang laro sa eliminations upang matupad ang asam na pagbalik sa Final Four.

Dahil sa panalo, umangat naman ang Pirates sa kartadang 6-11.

Samantala, ginapi ng Arellano ang Rizal University, 79-68.

Iskor:

Lyceum (64) – Caduyac 15, Nzeusseu 11, Alban 8, Bulawan 6, Alanes 6, Gabayni 6, Rubite 5, Ayaay 2, Marata 2, Serafico 2, Malabanan 1, Baltazar 0, Soliman 0

Perpetual (61) – Akhuetie 21, Dagangon 11, Coronel 8, Ylagan 6, Singontiko 5, Pido 5, Sadiwa 3, Gallardo 2, Eze 0, Dizon 0.

Quarterscores:

12-17; 27-24; 43-43; 64-61. (Marivic Awitan)