Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

12 n.t. -- LPU vs Perpetual

2 n.h. -- Arellano vs Jose Rizal

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 n.h. -- Letran vs Mapua

Mapatatag ang kapit sa ikatlong slot sa Final Four ang target ng University of Perpetual Help sa pakikipagtuos sa sibak ng Lyceum of the Philippines sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament ngayon sa San Juan Arena.

Tatangkain ng Altas ang panalo na magpapatibay sa kanilang hangarin na masiguro ang puwesto sa cross-over semifinal match-up. Tangan ang 11-4 karta, nasa ikatlong puwesto ang Altas sa likod ng nangungunang Arellano (12-3) at san Beda (12-4).

Nakatakda ang laro ng Altas at Pirates sa 12:00 ng tanghali.

Sisikapin naman ng Chiefs na mapanatili ang katayuan sa pedestal ng team standings at masiguro ang twice-to-beat incentive sa pagsagupa sa Jose Rizal University Heavy Bombers sa 2:00 ng hapon.

Sa tampok na laban, tatangkain ng Mapua na selyuhan ang huling Final Four berth para tuluyang pagsarahan ng pinto ang Heavy Bombers sa pagtutuos nila ng nasibak na reigning titlist Letran ganap na 4:00 ng hapon.

Sakaling mabigo ang Cardinals at magwagi ang Heavy Bombers ,buhay pa ang tsansa ng huli na makapuwersa ng playoff sa pang- apat na Final Four slot.

Kailangan lamang nilang ipanalo ang huling laro sa eliminations at umasang hindi maka-11 panalo ang Mapua.

(Marivic Awitan)