Problema pa rin sa mga pampublikong paaralan ang tubig at kuryente bukod sa kakulangan ng mga guro, silid, at palikuran.

Sinabi ni Senate Minority Leader Ralph Recto, isa sa bawat apat na paaralan ay walang malinis na tubig habang isa sa bawat anim na paaralan ang walang kuryente. “Erasing the backlog in water and power is the new frontier in education challenges,” aniya.

Sinabi ng senador na hindi pwedeng apurahin ang pagkakaroon ng mga Internet connections sa halip ay bigyang atensyon ang nabanggit na problema katulad ng pagbibigay atensyon sa problema sa droga. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Carmina natanong kung bet pang makatrabaho si Kyline