RIO DE JANEIRO (AP) — Pormal nang sinimulan ang Rio Paralympic Games nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) tampok ang 4,350 atleta na handang tumalima sa kanilang adhikain: The heart knows no limits; everybody has a heart.

Pinangunahan ni wheelchair daredevil Aaron Wheelz ang pagpapamalas nang katatagan ng mga atleta sa makapigil-hiningang stunt sa opening ceremony.

Sa kabila ng kapansanan, ipinamalas niya na kaya niyang tapatan ang kayang magawa ng mga normal na atleta.

Iginiit ni International Paralympic Committee (IPC) Chief Philip Craven, isa ring kapos-palad na nilalang matapos maputulan ng isang paa sa isang aksidente sa rock-climbing, na magsisilbing inspirasyon ang mga atleta sa kanilang kapwa.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

"In a country which has faced major challenges of late, Paralympians will switch your focus from perceived limitations — to a world full of possibility and endless opportunity," pahayag ni Craven.

"They will surprise you, inspire and excite you, but most of all they will change you."

Kasalukuyang dumaranas nang samu’t-saring suliranin ang Brazil, tampok ang Zika virus at pagpapatalsik sa kanilang pangulo. Nangangailangan ng tulong sa pribadong sektor ang bansa para makaipon ng US$80 milyon para pondohan ang quadrennial Games.

"Show the world that there is no them, there is only us," pahayag ni Craven sa home crowd na dumalo sa parada ng mga atleta.

"A world where people of all abilities, races, nationalities and sexualities can come together as one. We are all part of one world."

Sinindihan ang symbolic cauldron ni Brazilian swimmer at wheelchair user Clodoaldo Silva.