Mga laro sa Sabado

(Smart Araneta Coliseum)

8 n.u. -- UE vs UST

10 n.u. -- UP vs DLSU

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tinalo ng defending champion National University ang University of the East, 62-58, upang hatakin ang winning run sa 33 games kahapon sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Nakakuha ang Lady Bulldogs ng 18 puntos at 10 rebound mula kay Gemma Miranda, habang nag-ambag ang reigning MVP na si Afril Bernardino ng 14 puntos at 10 board.

Humanay na rin ang nakaraang taong third placers De La Salle sa mga naunang nagwaging NU, Adamson University at Ateneo matapos ang kanilang 76-52 paggapi sa Far Eastern University.

Nagtapos naman si Chay Vergara na may 19 puntos habang nagdagdag sina Snow Penaranda at Camille Claro ng 15 at 13 puntos para sa Lady Archers, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna naman sa Lady Warriors si Ruthlaine Tacula na may 18 puntos, 12 rebounds at apat na assist.

Wala namang Lady Tamaraw na nagtapos na may twin digits. (Marivic Awitan)