TUWANG-TUWA si Garrie Concepcion sa pagwawagi ng kapatid niya sa ama na si Cloie Syquia-Skarne bilang Miss Earth-Sweden.

Hindi man nakamit ng kapatid ang inaasam-asam nitong Miss Universe-Sweden ay proud na proud pa rin si Garrie dahil isa pa rin sa mapalad na nag-uwi ng korona si Cloie.

Sabi ni Garie, sigurado niyang masaya at very proud din ang ama nilang si Gabby Concepcion sa pagkakapanalo ni Cloie.

Kung walang mapagsidlan ang kasiyahan ni Garrie para sa kapatid, masaya rin kaya siya sa relasyon nila ng singer/actor na si Michael Pangilinan?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Oo naman! Wala namang problema,” sagot ng dalaga.

Dagdag pa ni Garrie, hinihintay lang nila ni Michael ang pagkakataon na makilala ng ama ang boyfriend niya.

“He is the first guy ever na ipapakilala ko sa daddy ko,” banggit pa ng dalaga. (JIMI ESCALA)