Pinabagsak ng Sportswrites ang Bangko Sentral ng Pilipinas, 93-86, para makopo ang kampeonato sa 2016 Friendship Cup-Para Kay Mike Basketball Tournament Miyerkules ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum.

Umahon sa 17-puntos na pagkakaiwan sa halftime, ratsada ang Sportswriters sa final period para makumpleto ang dominasyon sa fund-raising tournament para sa pagpapagamot ni Bandera correspondent Mike Lee.

Naghulog ng tournament high 43 puntos si Roy Cayanan para sa Sportswriters habang nag-ambag si Collins Cardenas ng 26 puntos.

Pinamunuan naman ni Glen Bolocan ang Bangko Sentral sa naiskor na 15 puntos.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Tinanghal na Most Valuable Player si Cayanan habang nasa Mythical Team naman sina Bolocon ng Bangko Sentral, Patrick Rabe at JC Docto ng Poker King Club, Tupas ng Sportswriters at si JR De Leon ng Full Blast Digicomms.

Napunta naman ang ikatlong puwesto sa Full Blast Digicomms.

Walong koponan ang kasali sa torneo na sinusuportahan din ng F2 Logistics Cargo Movers at SportsCORE kasama ang bagong pamunuan ng Philippine Sports Commission sa liderato ni Chairman William “Butch” Ramirez.

Iskor:

Sportswriters (93) – Cayanan 43, Cardenas 26, Retuya 14, Tupas 10, Jacinto 0, Cagang 0, J. Terrado 0, Formento 0. Leongson 0.

Bangko Sentral (86) – Bolocon 15, Soza 15, Tabunan 15, Mozar 13, Baraga 12, Carpio 6, Eroles 3, Salcedo 3, Angeles 2, Ilagan 2, Nigoza 0, Evangelista 0, Gumatay 0, Gabud 0.

Quarterscores:

15-28, 39-53, 75-68, 93-86. (Angie Oredo)