Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang nauna nitong desisyon na baliktarin ang ginawang pagsibak ng Office of the Ombudsman kay Chief Supt. Raul Petrasanta matapos itong masangkot sa kontrobersya noong 2011.

Nag-ugat ang dismissal order ng Ombudsman laban kay Petrasanta sa umano’y maanomalyang kontrata na pinasok ng PNP sa Werfast Documentary Agency bilang courier delivery firm para sa mga bagong ng lisensya sa baril.

Sa resolusyon ng CA Special 15th Division na may petsang Agosto 4, 2016, ibinasura nito ang motion for reconsideration ng Ombudsman dahil sa kawalan ng merito.

Bukod kay Petrasanta na dating hepe ng PNP Firearms and Explosives Office, kasama rin sa sinibak sina dating PNP Chief Alan Purisima at siyam na iba pang opisyal. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Resbak para sa tanging ina! Anak ni Ai Ai, hinamon tapang ni Chloe San Jose?