Magsisilbing lakas at inspirasyon ng mga miyembro ng National Team si Grandmaster Eugene Torre sa kanilang pagsagupa sa 42nd World Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan.

Sasabak si Torre sa kanyang ika-23 beses at rekord sa paglahok sa kinikilalang Olimpiada sa sports na chess na kasama sina GM Julio Catalino Sadorra, John Paul Gomez, Rogelio Barcenilla at International Master Paolo Bersamina.

“It is a big responsibility given to me by the NCFP looking after the team,” sabi ni Torre. “We know that chess match can only be played individually but it is not the thing when you are in the Chess Olympiad, it is about the team. It will be an added pressure for me but mas maganda na magkakasama ang bawat miyembro para sa bansa,” aniya.

Ito ay matapos naman magdesisyon ang NCFP na hindi isama ang 13-time Olympian na si Battle of Grandmaster champion Rogelio Antonio Jr. at italaga na lamang bilang coach na youth squad.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sasabak para sa Pilipinas ang US-based na si GM Sadorra sa Board 1 habang nasa Board 2 si Gomez. Babantayan ni Torre ang Board 3 habang ang US-based din na si Rogelio Barcenilla ay nasa Board 4 at International Master Paulo Bersamina sa Board 5.

Asam naman ng koponan na maabot ang pinakamataas na ika-25 puwesto na realistiko nitong target matapos na maghati-hati ang mga bansa mula sa dating USSR. (Angie Oredo)