HINDI lang pala isa kundi dalawa ang sikat na aktor na kasama sa listahan ng showbiz personalities na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ito ang ibinulong ng source namin na may konek sa mga naghahanap ng ebidensiya sa mga taga-showbiz na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa source, marami ang magugulat kapag inilabas ang naturang listahan dahil kasama nga raw ang dalawang sikat na actor na parehong hindi makakabasag-pinggan ang ipino-project na image sa harapan at maging sa likuran ng kamera.

Kung titingnan daw ang magandang imahe ng dalawang actor, walang mag-aakala na lulong sila sa masamang bisyo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pareho pa ring visible o nasa limelight ang dalawang sikat na actor, dahil hindi sila nawawalan ng project sa telebisyon at pelikula.

Ilang linggo nang kumakalat ang balita na sunod nang papangalanan ng administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte kaya nababahala ang concerned friends ng dalawang aktor dahil tiyak na maaapektuhan ang kanilang career.

Sa napakinggan naman naming interbyu kay PDEA-NCR Director Wilkins Villanueva, binanggit niya na may tinutukan pa silang isang sikat na showbiz personality na hindi lang user kundi nagbebenta rin ng ipinagbabawal na gamot.

Kahit anong pangungulit kay Director Wilkins ay hindi siya nagbigay ng clue sa identity ng naturang showbiz personality.

Pero sinabi niya na tiyak daw na kinakabahan na ngayon ang tinutukoy niyang kilalang artista. Pero sana raw ay magbago o sumuko na agad ang mga artistang sangkot sa pagbebenta o paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang payo pa niya, sana raw ay huwag nang hintayin ng mga ito na pangalanan sila at makaladkad pa ang pangalan nila.

Samantala, tuluy-tuloy ang pakikipagdayalogo ng Philippine National Police personnel sa bar owners at hinihingi nila ang kooperasyon ng mga ito, lalung-lalo na ‘yung mga nasa Bonifacio Global City na madalas puntahan ang mga kilalang showbiz personalities.