Nakopo nina Zoe Marie Hilario ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa swimming at Karl Arvyn Aquino ng St. Michaels School sa athletics ang tig-dalawang gintong medalya sa unang araw ng kompetisyon sa 2016 MILO Little Olympics kahapon sa Marikina Sports Park sa Marikina City.

Iniuwi ng 14-anyos na si Hilario, miyembro ng National Team sa 6th Children of Asia International Sports Festival sa Yakutz, Russia, ang titulo sa girls 13-17 400m freestyle sa tyempong 4:52.53 at 100m backstrokes sa tyempong 1:09.87.

Pinagbidahan naman ng 15-anyos na si Aquino ang boys 110m hurdles sa bilis na 14.7 segundo bago nasikwat ang long jump event sa 6.17 metro.

“Zoe wants to represents the country in future international competitions kaya pursigido ‘yan,” pahayag ng inang si Anne mula sa Davao City.

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'

“Iyon ang gusto niya and we are fully supporting her kasama ang ate niya na nasa college na,” aniya.

“I started swimming at the age of 4 for safety purposes because my mom and dad used to go scuba diving. They left us up in the yacht while they go swim below. I started to compete when I was 6 to join my sister in the sport,” pahayag ni Hilario.

Samantala, nanawagan ang beteranong sports official sa Philippine Sports Commission (PSC) na bigyan pansin ang modernisasyon ng sports venue sa bansa.

“Twenty six years na ang PSC pero walang nagawa na bagong sports center ang past leadership. Hopefully, under PSC chairman Butch Ramirez makakita na tayo ng pagbabago,” sambit ni Prof. Robert Milton A. Calo ng McRobertz Sports Academy of the Philippines, Inc., organizer ng MILO Little Olympics.

Mahigit 4,000 elementary-secondary student-athletes na may edad 16 anyos at pababa ang kalahok sa 23 discipline sa torneo.