Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

10 n.u. -- SBC vs NCBA

12 n.t. -- Perpetual vs NU

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 n.h. -- FEU vs San Sebastian

6 n.g. -- Ateneo vs UP

Hatawang walang puknat ang asahan sa paggitna nang apat na koponan na naghahabol para makausad sa susunod na round ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference ngayon sa San Juan Arena.

Magkasalo sa ikalawang puwesto, magtutuos ang Far Eastern University at San Sebastian College sa unang laban sa ganap na 4:00 ng hapon habang magsasagupa ang Ateneo at University of the Philippines na magkasalo sa ikatlong puwesto sa ganap na 6:00 ng gabi.

May nalalabing tatlong playing days kung kaya’t krusyal ang laro para makaabot sa Final Four.

Kasalukuyang nakakaungos ang National University na may barahang 3-1.

Manggagaling ang Lady Stags sa matikas na panalo sa UST Tigresses nitong Miyerkules habang babangon naman sa unang nalasap na kabiguan sa kamay ng Lady Bulldogs ang Lady Tamaraws.

Muling sasandig ang Lady Stags kina Grethcel Soltones, Joyce Sta. Rita, Katherine Villegas, Mariel Dalisay, Denice Lim, at setter Vira Guillema.

Inaasahan namang mamumuno sa pagbangon ng Lady Tams sina Toni Rose Basas, Remy Joy Palma, at Bernadeth Pons. (Marivic Awitan)