Maglalaan si manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ng P300 milyong pondo para malagyan ng mga bagong ilaw ang lahat ng kalsada sa 896 na barangay ng lungsod.

“Ninanais kong maging ‘Paris of Asia’ o ‘City of Lights’ ang ating lungsod, bukod pa sa hangarin nating mapangalagaan ang seguridad ng mga Manilenyo lalo na sa gabi,” paliwanag ng alkalde.

Aniya, kapag maayos, malinis, at maliwanag ang mga kalsada ay makatutulong ito sa pagpapasigla ng komersyo at turismo, at isang paraan din para masupil ang kriminalidad sa lungsod. (Mary Ann Santiago)

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'