Mga laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- lackwater vs Mahindra

6:45 n.h. -- Ginebra vs Rain or Shine

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Makabalik sa winning track upang panatilihin ang pagkakaluklok nila sa ikatlong puwesto ang kapwa tatangkain ng Mahindra at Ginebra sa dalawang magkahiwalay na laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2016 PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Hawak ang magkaparehas na barahang 4-2, sasalang ang dalawang koponan sa nakatakdang double header ngayon, una ang Enforcers kontra Blackwater sa ganap na 4:30 ng hapon kasunod ang Kings laban sa Rain or Shine sa tampok na laban ganap sa 6:45 ng gabi.

Nalasap ng Enforcers ang ikalawang sunod na kabiguan sa kamay ng NLEX,81-82.

Sa kabilang dako, magkukumahog ang Blackwater na makaahon mula sa kinalalagyan sa ilalim ng team standings taglay ang barahang, 1-5, kasunod ng 90-105 na pagkabigo sa Meralco.

Magsisikap ding bumangon mula sa natamong 105-111 double overtime na kabiguan sa kamay ng defending champion San Miguel Beer ang Kings sa pagsagupa nito sa Rain or Shine na kabuntot lamang nila sa standings hawak ang barahang 3-2.

Sisikapin ng Elasto Painters na dugtungan ang naitalang huling panalo,117-114 kontra Alaska. (Marivic Awitan)