RIO DE JANEIRO (AP) — Tinapos ni Andy Murray ang giant-killing run nang nagbabalik na si Juan Martin del Potro ng Argentina para tanghaling kauna-unahang tennis player na nagwagi ng magkasunod na kampeonato sa kasaysayan ng Olympics.

Naisalba ni Murray ang tikas at lakas ng karibal para maitarak ang 7-5, 4-6, 6-2, 7-5 panalo sa men’s tennis singles sa Rio de Janeiro Games nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Sa 2012 London Olympics, nakopo ni Murray ang gintong medalya sa singles at silver sa mixed doubles na ginanap sa All England Club. Sa naturang venue makalipas na isang taon, naiukit niya ang kasaysayan bilang kauna-unahang Briton na nagwagi ng Wimbledon championship makalipas ang 77 taon.

Nitong Hulyo, muling nagwagi si Murray saWimbledon para sa ikatlong Grand Slam title.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Nakipagsabayan ang No. 2-seeded sa bilis ng del Potro para maipanalo ang huling apat na laro at kumpletuhin ang 3-5 paghahabol tungo sa impresibong panalo sa 141st-ranked na karibal, na lumikha ng ingay sa Rio nang patalsikin si No. 1 Novak Djokovic sa first round at gapiin si No. 3 Rafael Nadal sa semifinals.

Nagbabanta si del Potro para sa sariling kasaysayan dahil wala pang player na nagwagi ng Olympic gold na namayani sa top three seed player.

Nabigo si Nadal, 2008 gold medalist, para sa bronze nang matalo kay Kei Nishikori, 6-2, 6-7 (1), 6-3. Ito ang kauna-unahang medalya sa tennis Olympic ng Japan.