SA September nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Barcelona: A Love Untold pero ngayon pa lang ay marami na ang excited na nag-aabang lalo na’t si Olive Lamasan na ang kanilang director under Star Cinema.

Katunayan, na-feature maging sa isang Hungarian website na Starity ang teaser ng movie na kinunan din sa Europe ang halos kabuuan.

Maging ang Vietnamese website called Readzo ay nag-feature din ng teaser ng KathNiel movie.

Pero hindi na kataka-takang nakabuo ng fan base sa Vietnam ang KathNiel dahil kinilala at pinarangalan sina Kathryn at Daniel ng Best Foreign Actor and Best Foreign Actress para sa kanilang performances sa hit series na Got To Believe sa nakaraang Vietnam’s Face of the Year Awards earlier this year.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Naging big hit din ang serye nilang Got To Believe nang ipalabas sa primetime ng Today TV ng naturang bansa.

(ADOR SALUTA)