Mga laro ngayon (San Juan Arena)

9 n.u. -- Mapua vs Jose Rizal (jrs)

10:45 n.u. --  Arellano vs EAC (jrs)

12:30 n.h. -- San Beda vs San Sebastian (jrs)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2:15 n.h. -- St. Benilde vs Perpetual (jrs)

4 n.h. -- LPU vs Letran (jrs)

Kapwa tatangkain ng Arellano University at defending champion San Beda na mapatatag ang hawak sa liderato sa pagsalang sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagbubukas ng second round ng elimination ng 92nd NCAA juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Nagtapos ang  Braves at ang Red Cubs sa first round na may parehas na barahang 8-1.

Muli, paborito sila kontra sa kanilang mga karibal, ang Braves kontra Emilio Aguinaldo College Brigadiers sa 10:45 ng umaga at ang Red Cubs kontra San Sebastian College Staglets sa ganap na 12:30 ng hapon.

Sa iba pang laro, haharapin ng Mapua ang Jose Rizal University sa unang laro sa ganap  9:00 ng umaga, sasagupain ng  St. Benilde ang University of Perpetual Help  ganap na 2:15 ng hapon, at magtutuos ang Lyceum of the Philippines at Letran sa huling laro ganap na  4:00 ng hapon. - Marivic Awitan