PAGKARAAN NG dalawang taon simula nang pumanaw si Robin Williams, ginunita siya ng kanyang co-star na si Sarrah Michelle Gellar sa pag-post ng mga litrato sa Instagram.

Gumanap si Sarah Michelle bilang anak ni Robin sa comedy show na The Crazy Ones na ipinalabas sa CBS at tumagal ng hanggang 22 episodes noong 2013 at 2014. Isa ito sa mga huling ginampanan ng kilalang entertainer, na nagpakamatay noong Agosto 11, 2014, nang siya ay 63.

Sa unang litrato na binahagi ni Gellar ay makikita si Williams na kasama ang Angels ng Victoria Secret, kuha nang lumabas ang mga ito sa kanilang show.

Nang pumanaw si Robin, agad naglabas ng sweet statement si Sarah Michelle na nagpapaliwanag kung paano sila naging malapit sa isa’t isa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“My life is a better place because I knew Robin Williams,” aniya. “To my children he was Uncle Robin, to everyone he worked with, he was the best boss anyone had ever known, and to me he was not just an inspiration but he was the Father I had always dreamed of having. There are not enough adjectives to describe the light he was, to anyone that ever had the pleasure to meet him. I will miss him everyday, but I know the memory of him will live on. And to his family, I thank them for letting us know him and seeing the joy they brought him. Us crazy ones love you.”

Ang dating star ng Buffy The Vampire Slayer ay madalas na nagbabahagi ng mga alaala ni Robin, tulad din ng ginagawa ng real-life daughter ng komedyante na si Zelda Williams, 27. Noong Hulyo 21, sa dapat ay ika-65 kaarawan ni Robin, nag-post si Zelda ng kanyang vintage snapshot kasama ang mga kapatid na lalaki na sina Zachary at Cody na nangangabayo kasama ang kanilang ama. (Yahoo Celebrity)