WALANG tutol si Ryan Agoncillo kung sakaling matuloy na ang muling pagsasama sa pelikula ni Judy Ann Santos at ni Piolo Pascual. Ito ang ibinalita mismo ni Juday na toast of the tinseltown ngayon ang magandang performance sa pelikulang Kusina.

Ayon sa aktres, wala na siyang nakikitang problema sa muling pagtatambal nila ni Papa P. 

Agad niyang nilinaw ang isyung lumabas na hindi raw pabor si Ryan na maging leading man niya muli si Piolo.

“Walang katotohanan ‘yung sinasabi ng ibang tao na ayokong gumawa ng pelikula with Piolo because of Ryan. It’s not like that. Hindi si Ryan ang problema kundi ako mismo,” napatawang banggit ng premyadong aktres. 

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ang sinasabing problema lang daw ni Juday sa muling pagsasama nila ni Piolo ay ang kanyang timbang. Ayaw naman daw niyang magmukhang mascot ni Piolo kapag magsama sila sa pelikula.

“Wala namang problema kay Ryan. Matagal na rin niyang gusto na magsama kami ni Piolo sa movie. Marami na ngang mga proposals. At sa totoo lang naman, eh, wala namang kailangan pang ayusin sa kanilang dalawa. I mean, wala namang nangyari na hindi maganda,” lahad pa ng aktres. 

Samantala, labis-labis ang suporta ni Ryan Agoncillo para sa Cinemalaya movie ni Judy Ann. Hindi inalintana ni Ryan ang sobrang ulan at trapik na sinugod niya para lang makahabol sa gala night ng Kusina sa CCP Main Theatre. 

May nakakita pang panay ang iling ni Ryan sa pagkamangha sa napanood na acting ni Juday sa naturang pelikula.

(Jimi Escala)