Guilty beyond reasonable doubt.

Ito ang hatol ng Cebu Regional Trial Court (RTC) kay dating Lezo, Aklan Mayor Alfredo Arcenio kaugnay ng pagpatay sa dating station manager na si Herson Hinolan.

Nakapiit ngayon sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center, hinatulan si Arcenio ng walo hanggang 14 na taong pagkakabilanggo.

Sinabi ni State Prosecutor Atty. Hazel Valdez na kinatigan ng Cebu RTC ang kaso laban kay Arcenio na itinurong salarin sa pamamaril at pagpatay kay Hinolan, dating station manager ng Bombo Radyo-Kalibo, sa Kalibo noong Nobyembre 13, 2004. (Beth Camia)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog