NGAYONG Miyerkules, tampok sa Tonight with Arnold Clavio (TWAC) ang tatlong magagaling na komedyante at impersonator na sina DJ Onse alyas Velma; Teri Onor alyas Nura; at Divine alyas Tetay.

Magpapasiklaban ang tatlong guests sa panggagaya sa pelikula ng kani-kaniyang idolo. Abangan ang “I did not kill anybody” ni Nora Aunor; “Ding, ang bato dali… Darna!” ni Vilma Santos; at ang pasigaw na linya ni Kris Aquino sa pelikulang Feng Shui.

Lingid sa kaalaman ng marami, pangarap ni Arnold Clavio na makapanayam si Kris Aquino. Abangan sa kuwelang kuwentuhan nila ni Tetay kung maihirit niya ang mga pinapangarap niyang maitanong? Abangan din ang mga kuwelang sagot ni Tetay.

Hindi rin nakaligtas ang tatlong komedyante sa tatak TWAC game na “Nasubukan n’yo na ba?” Abangan kung sinu-sino sa kanila ang nakasubok nang magpatawa kahit kagagaling lang sa masakit na hiwalayan. Ilan kaya sa kanila ang nakapagbiro na sa lasing sa loob ng comedy bar? At sino ang nag-uuwi ng pagkain mula sa party na hindi nagpapaalam?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makikigulo rin sa kanila ang Hollywood actor at cast member ng Game of Thrones na si Conan Stevens, na ngayon ay mapapanood bilang si Vish’ka sa Encantadia.

Sama na sa kuwentuhan sa Tonight with Arnold Clavio ngayong 10:15 PM sa GMA News TV.